A Date to Remember: Sep. 11, 2001
Hinde ko alam ba't naalala kong September 11 ngayon. Siguro ay naghahanap ako ng kahulugan sa kakaiba kong nagawa ngayon. Apat na taon na ang nakakaraan, sinagupa ng Amerika ang pinakamalaking trahedya na yumanig sa pundasyon ng kalakalan ng Amerika. Ngunit hinde lang sila ang nabahala, buong mundo ay saksi sa trahedyang stateside.
Wala akong magawa kaya nagsurf ako sa Google tungkol sa 911 tragedy. Ang nakita ko? Mga website ng organisasyon ng mga taong naiwan ng mga nasawi sa World Trade bombing. Hinanap ko ang balita kung may mga nag-commemorate ba sa trahedyang ito sa ngayon. Wala na ata. Hinde na siya isyu ng mundo. Isa na lamang siya sa mga alaala ng giyerang hinde pa natatapos hanggang ngayon. Ang balita sa mga newsgroup na patok na patok sa ngayon ay ang bagong trahedyang dulot naman ng isang natural na proseso. Walang mga atomic o bombang ginamit. Ngunit damay na naman ang buong mundo. Ito ay ang walang makatalbog na ginawa ni Katrina. Mapa-tao o mapa-kalikasan, pag nagsimulang manira, pareho lang ang resulta. Kaya siguro pati ang trahedyang gawa ng Kalikasan ay pinapangalanan na parang tao. Para maisip natin na tao ren sila, marunong manggulo sa kapwa nila tao. Wala talagang pinag-iba.
Maraming inosente ang namamatay. Ngunit wala kang magagawa, kasama ata yan sa mga paraan ng Diyos upang kunin ang iilang tao sa isang dakot lang. Ganon ata ang misyon nila sa mundong ito. Ang may maitatak na babala sa atin sa kanilang pagkamatay. Babala ito mula sa itaas.
Espesyal ang araw na ito dahil ngayon ako nagpapaalam sa aking istilong Naruto. Byebye bigotilyo! Halina sa parokya...
Wala akong magawa kaya nagsurf ako sa Google tungkol sa 911 tragedy. Ang nakita ko? Mga website ng organisasyon ng mga taong naiwan ng mga nasawi sa World Trade bombing. Hinanap ko ang balita kung may mga nag-commemorate ba sa trahedyang ito sa ngayon. Wala na ata. Hinde na siya isyu ng mundo. Isa na lamang siya sa mga alaala ng giyerang hinde pa natatapos hanggang ngayon. Ang balita sa mga newsgroup na patok na patok sa ngayon ay ang bagong trahedyang dulot naman ng isang natural na proseso. Walang mga atomic o bombang ginamit. Ngunit damay na naman ang buong mundo. Ito ay ang walang makatalbog na ginawa ni Katrina. Mapa-tao o mapa-kalikasan, pag nagsimulang manira, pareho lang ang resulta. Kaya siguro pati ang trahedyang gawa ng Kalikasan ay pinapangalanan na parang tao. Para maisip natin na tao ren sila, marunong manggulo sa kapwa nila tao. Wala talagang pinag-iba.
Maraming inosente ang namamatay. Ngunit wala kang magagawa, kasama ata yan sa mga paraan ng Diyos upang kunin ang iilang tao sa isang dakot lang. Ganon ata ang misyon nila sa mundong ito. Ang may maitatak na babala sa atin sa kanilang pagkamatay. Babala ito mula sa itaas.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home