Mga Pagninilay Pagkatapos ng Unos
Sa loob ng 3 araw eh nalugmok ako sa kandila at pamaypay habang nag-aaral para palipasin ang mga araw na walang ilaw. Sa 3 araw na iyon, napilitan akong mag-aral ng lubusan bilang paghahanda para sa isang kritikal na exam. Akala ko makakabawi na ako, ngunit di pala basta ganoon yon. Meron talagang pagkakataon na kahit gaano ka mag-aral eh sadyang pwede kang malasin at hindi sang-ayunan ng pagkakataon.
Haay, talaga nga naman pag sinusubok tayo ng Itaas eh sadyang susubukin ang ating pananampalataya. Alam Niyang ako yung tipo ng tao na hindi basta-basta natitinag ng mga simpleng kabiguan. Ngunit ngayon sadyang naiparating niya ako sa puntong nawawala na ang aking tibay ng loob. Paninisi sa sarili at nasa aking paligid ang isa sa mga maling paraan ng pagtugon sa sitwasyong ito. Ngunit kung alam mo kung sino ang dapat kapitan sa panahong ganito eh maaaring magsilbing matibay na pananggalang sa mga bagay na pilit na gumagapi sa iyo.
- Ang entry na ito ay sinulat bilang ala-ala sa pagbisita ni bagyong Milenyo sa Pilipinas. Hindi ka namin malilimutan, lalo na ng mga pamilyang binawasan mo ng kaanak. Sana sinama mo nalang sa iyong biyahe ang mga kasabwat mong billboards pati narin ang palasyo ng Pilipinas, nang sa gayon eh kahit papano eh may naiwan kang mabuting ala-ala sa aming mga isipan ngayon.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home