Saturday, March 11, 2006

Back 2d Cyberworld

Pagkalipas ng 5 buwan (ata), na nawalan kami ng telepono (palatandaan na talagang naghihirap na ang bansa na kahit kami ay talagang naapektuhan), ngayon ay nagkaroon na naman kami ng Net sa bahay, at ako'y muling nabuhay. Matagal ko nang iniisip na mag-blog dito ngunit hindi ko nagagawang mag-aksaya ng pera sa labas para lang magsulat ng mga bagay na hindi naman babasahin ninuman. Pero sa bahay, malaya akong makakapagsulat ng aking opinyon, malayo sa mga mapanuring tingin ng mga usisero. At sa blogsite na ito, malaya ninyong mababasa ang mga sinasaloob ng isang tao. Malaya kayong makahuhusga, kung sino nga ba ako.

Maraming araw sa aking buhay ang nais ko isulat sa blog, ngunit walang sapat na kakayahan upang payagan ang ninanais kong luho. Maraming araw at kuwento ng aking buhay ang nasayang at hindi ko nailista sa isang permanenteng pahina. Lahat sila'y naukit na lamang sa mga pahina ng nasa Itaas. Dahil doon walang nakakaligtaan, mapanoon, ngayon, pati na ang kinabukasan. May isang araw na gusto kong ibuhos ang lahat ng inis at panghihinayang sa isang papel. Ngunit maging ang ideyang kumuha ng bolpen at papel ay kinakatamaran ko, isipin ko palang na isulat ang aking mga kinikimkim ay nakakastress na... Hindi talaga ako sanay magsulat ng mga iniisip ko. Hindi ako sanay gawin ang pagsusulat bilang outlet sa mga emosyon ng aking buhay. Kung magsusulat man ako tulad ngayon, siguro para sa pansariling kaligayahan at pagkakuntento.

Marami akong iniisip kadalasan. Kaya sa bahay lalo na sa umaga eh nale-late ako dahil lagi nalang sinasabi ng nanay ko na lumilipad na naman ang isip ko. Daydreaming sa umaga... Tama siya. Marami akong tinatanong sa sarili pagkagising palang. Maraming pinipilosopong ideya - lahat ng tanong sa isip ko ay pinaparating sa Itaas, at kadalasan natatapos ang mga halusinasyon pagkatapos bumuhos ng malamig na tubig sa aking ulo sa may banyo. Minsan hindi iyon natatapos doon. Umaabot ang mga tanong kong hindi napaparam hanggang sa aking pagtulog. Kasama na iyon sa araw-araw kong routine, ang mag-isip ng kung anu-ano. Kaya siguro bumaba ang performance ko sa buhay mula ng natutunan ko ang habit na to. Kung computer lang ako, "Na-consume nito ang memory space ko by almost 50%. At ituring nyo na rin ito as my default System Idle Process. A spyware I purposely installed inside my body to stay as a part of my personality."

Kaya siguro importante ang may outlet ng mga saloobin. Bilang isang lalaki (isang ganap na lalaki!), hindi ako sanay sa ganoon. At mataas ang capacity ko na kimkimin ang mga bagay-bagay. Mga about 1 Farad (malaki ang unit na yan ah!). Minsan naisip ko na sana magkanervous breakdown ako para maexperience ko naman ang bumigay. Gusto ko sa may eskuwelahan (o kaya sa kalsada) para maramdaman ng tao (KSP syndrome) kung gaano na kapagod ang sistema ko. Pero hinde, masyadong positibo ang subconscious mind ko para maapektuhan ng mga negatibo kong ideya. Kasi natural ang pagiging positibo ko, ngunit nung napunta ako sa UP anglakas ng mga negative forces para iturn-down ako. Yung happy-go-lucky attitude na dala-dala ko nung hayskul ay biglang nawala. As in bigla! Bigla sa paraan na muntik nakong matanggal sa aking course. And still I'm on the verge of hanging on my course. Hindi ko bibitiwan ang course ko definitely. At kung kailangan baguhin ang dapat baguhin, I'm ready to break the habit.

Masyadong idealistic ang mga attitude ko nung bata ako, dahil siguro sa mga napapanood kong anime na malaki ang naging impluwensya sa aking personalidad. I turned mercurial at some point during hayskul. Trying to be different at one point or another. Hyper, madaldal, makulit, may kakaibang perspektibo. Pero sa katagalan natanggap ko na talagang iba nga ako. Lahat tayo ay iiba. Naappreciate ko ang mga klasmeyts ko nung hayskul dahil sa kanilang mga ugali, pakikisama, pakikipagkaibigan. At ngayon sa bagong lipunan, mas dumami ang mga nakasalamuha ko, mga kaibigang nagmula pa sa iba't ibang sulok ng Pinas. Minsan pa nga'y mga "poreners" pa.

Much has been said here. Sabi ko hindi na ko magiging madaldal. Pero hindi naman to kadaldalan ah! I'm trying to improve my writing skills, as if I'm using that as an excuse to my blabberings.

[quod erat demonstrandum]

0 Comments:

Post a Comment

<< Home