Monday, April 18, 2005

First Day of Summer class: Jeepney Strike.

We tackled the first day with a lot of walk and walk and walk. Puro pa ko prerog eh 2 lng naman subject ko ng summer, pero pareho kong gustong palitan. Sa awa ng Diyos yung PE nalipat sa umaga. Para may maiunat naman akong buto bago mag math. Pagkatapos ng math cut na pala klase kaya uwi na dapat. Pero wala talaga, ang mga nakatambay sa mga jeep stop eh andun parin mula nung mag-math kami. Pero may nadadaan naman every 10 minutes ata. Pero kami ng mga kasama ko, lakad lang ng lakad sa loob ng Diliman campus. Mula Gym papuntang Math, tapos pabalik ng Eng'g, at palabas ng Central, wala kami makitang biyaheng dyip na makakapaghatid sa amin sa aming mga tirahan.

Hinde! Naghahanap lang talaga kami ng dahilan para di agad umuwi. Sa loob ng campus talagang naghahanap kami ng mapupuntahan bago lumabas kasi walang mga dyip na papalabas ng UP. Strike pa at ala-una palang yon. Kaya pag labas namin ng Central (naglakad lang ng napakahaba), mga 2:30 na ata, isang bus ang napagtiyagaan namin: at bumagsak kami sa SM Manila. Loko, lagpas pa sa uuwian ko ang nabagsakan ko! Kala ko ba alang sasakyan pauwe, eh ano tong bus na sinasakyan ko?! Napabuntung-hininga nalang ako nang maraanan ng aming bus ang dapat na bababaan ko pauwi. Sa SM Manila pa kasi ang puntirya namin, ehehe.

Yahoo, tagal na ring alang lakwatsa! Kaya pagbaba ng city hall, lakad kaming apat sa SM. Nabanggit ko ung libro na hinahanap ko sa C programming kaya napasok kami ng National. Tagal naming tumambay sa National. Kung hindi dahil sa mga libro ni Bob Ong eh malamang di na kami umalis doon hangga't di pa kami uuwi. Basa ng basa habang nakatayo. Eh hinde lang naman kami ang nagbabasa doon. Yung isa ko ngang kasama alam na ang mga laman ng libro ni Bob Ong, kahit wala siyang kopya non. Tanong ko san nya nabasa? Doon sa National. Ginawang library ang National, binasa ang buong aklat ng walang pag-aalalang binebenta pa nila yon. Kaya alam na niya kung ano ang magagandang parte nung libro at yun ang tinuturo nya saking basahin. Marami kaming nakahawak sa mga libro ni G. Bob, hnde lang ako o mga kasama ko. Nagbabasa rin sila duon ngunit kami talaga ang parang ayaw nang umalis mula kanina pa. Kung di pa kami niyaya nung isa kong kasama eh hinde na kami lalabas doon. May balak pa pala kasi siyang mag quantum arcade.

Quantum punta kami. Una tingin tingin lang sa mga naglalaro. Ala ata sa amin ang may balak gumastos. Pero andun yung table ng parang soccer, na ang bola ay disc at pinapadulas sa madulas ng table papunta sa butas ng kalaban mo. Eh tamang tama apat kami, kuha kami 2 token para 2 rounds. Syempre, 2 beses nanalo kami ng kakampi ko. Kahit yung pangalawang laban ay hinarangan ng dala-dalang filecase ng kasama ko ang butas namin. Nung namatay yung hangin, di na madulas at ito'y hudyat na tapos na ang laban.

Pero humirit pa na Photo Hunt at napadagdag ung mga kasama ko sa pagbili ng token. Kala namin madali na dahil apat na nga kami. Ngunit nakikipindot na yung ibang tao don eh hinde parin namin naabot yung highest score. Mga 30% lang ata naabot namin. Mabilis na kasi ung oras sa katagalan nang laro. Nawili kaya umulit kami nang umulit. Ako, 4 pesos ang nagastos. Hinde kasama pamasahe. Saka kami nagbalak na umuwi na - kahit sa tingin ko ay labag pa sa kalooban nila.

3 kami magkasama sa dyip, 3 kasi kaming nadaanan ang bahay mula sa UP papunta sa SM. Kaya iisa lang ang sasakyan naming ruta. Ok na sana ang ending nang humirit bigla ung isa na naiwan daw ang notebook nya doon! Andun ang form5 at mga claskards nya, patay nga naman talaga siya. Kaya biglang baba siya para bumalik doon. Napabiglang paalam tuloy kami.