Muling Pagbangon sa Pagkakahimlay
Dumating ang Pasko (2006). Dumating ang Bagong Taon (2007). Nagdaan and kaarawan ko. Dumating ang Araw ng mga Puso. Dumating ang Marso, kasabay ng mga exam nito. Pero ang blog ko at ako ay nanatiling nakahimlay lang at natigilan sa mahabang panahon.
Di ko alam kung bakit gusto kong mahiligan ang pagsulat. Kahit sa blog man lang. Eh binigyan ako ng Diyos ng natural na katamaran sa bagay na ito. Kung itatanong mo ang kasaysayan ng mga asignatura kong English, Filipino, at iba pa (na may kinalaman sa pagsusulat bilang pangunahing pinagkukunan ng marka), eh wala kayong makikitang magandang imahe mula sa aking pagkatao (kahit hanggang ngayon sa kolehiyo kaya dapat ko na talagang kahiligan ito!). Ewan ko pero parang nakipag-cool off lang ako sa Blog ko, kala ko nga noon katapusan na ng lahat. Di na kami muling magkakaayos. Pero hindi. 'Di ko siya nagawang matiis. Maraming bagay ang nagpamulat sakin sa kahalagahan ng pagsusulat, at silbi ng isang blog sa buhay ng isang tao na walang mapagsabihin ng hinaing sa mundo.
Lahat ng nabanggit ko sa unang talata ay mga importanteng petsa at panahon sa buhay ko. Bawat isa sa mga iyan ay may nakatakda sanang kuwento para maisulat ko. Mga simpleng pananaw lang sana o napagnilayan sa araw na iyon. Reflection ika nga (see note below). Pero dahil hindi binigyan pansin ng aking katawan ang hinaing ng aking isipan, pinalagpas 'yon na parang laruan na hindi nagawang makamit ng isang bata dahil walang pambili ang ina. At nagdaan pa ang mga araw, nakalimutan ang mga bagay na makukulay at hindi na muli pang mahahagilap iyon.
Doon ko napagtanto ang kahalagahan ng diary, o ang maikwento o maisatitik ang mga makukulay na bahagi ng buhay mo. Ang isang tao na gumagawa ng diary ay hindi naman nagsusulat nito para ipagmalaki sa mga tao ang mga magagandang (o masasamang) nangyari sa araw niya. Mas nakatuon ito para mapreserba ng mainam ang mga kwentong ayaw nilang makalimutan sa sarili. O kaya naman eh maibulong lang ang pinakalilihim nila kahit sa isang kwaderno lang--marahil dahil hindi nila kayang sabihin ito sa kahit sinong tao. Ang blog ay isang modernong ebolusyon nito, pero may konting (actually malaking) pagbabago dahil mas naghahanap ito ng mambabasa, at hindi ka nagsusulat dito ng lihim (dahil ito'y nasa internet!). Pero pwede kang magkwento tulad ng sa diary. At hindi mo kinakausap ang blog na parang tao tulad ng pagtawag mo sa diary ng Dear Diary. Dito kasi mas inaasahan mong may makakabasa nito at kung may kakausapin ka mang mambabasa, yun eh ang mga usiserong mapupunta sa blog mo.
"Sayang, sayang." Ito'y laging bukambibig ng naging propesor ko sa Kasaysayan 1. Sayang at hindi raw ginagawang contestant ang mga propesor na dukha sa Willie of Fortune; sayang at hindi na raw pwedeng magbigay ang mga politiko ng T-shirt sa mga walang damit; sayang at hindi ko pa pinapasa hanggang ngayon ang talambuhay ko sa kanya!
Hindi dapat isama sa 'sayang list' ko ang mga pinalagpas kong pagkakataon na pagsusulat ng blog. Wala rin naman kasing magbabago kung naisulat ko iyon. Mas mabuti nga atang di ko na naisulat ang mga gusto kong isulat. Walang importansiya iyon sa buhay ninuman, walang akong mababagong buhay kung maipabasa ko man iyon. Siguro sa mga tsimoso't usisera makakatulong iyon. Pero wala akong pakialam sa kanila. Nasa utak ko pa rin naman ang mga masisiyang araw na iyon. Ang mga kuwentong iyon... Yun nga lang, unti-unti na itong nababawasan ng kulay at detalye. Dahan-dahang napaparam sa aking diwa, tulad nung mga bagay na sinabi kong 'di ko malilimutan nung bata pa ako ngunit ngayon eh wala na akong maalala.
Masuwerte pa nga ako kung ikukumpara sa ibang tao pagdating sa memorya. May mga ibang tao kasi na hindi na naaalala ang kahit sino sa mga naging classmate nila noong gradeschool--nung nasa private pa siya bago siya lumipat ng public school para grumaduate ng mas mura sa primarya. May iba nga na naging classmate ko nung hayskul, pag nagkita kami, eh hindi na mabanggit and pangalan ko. Ang masama eh 4 na taon mo siyang kaklase at 3 taon pa lang kayong hindi nagpapangita. Hindi naman sa hindi kami naging close pero naintindihan ko rin naman siya paglipas ng ilang sandali nang matuklasan kong hindi na nga niya maalala ang karamihan sa mga kaklase namin nung isa-isa ko nang banggitin ang mga pangalan nila. Di ko naman agad inisip na mas mahina ang memorya niya kesa sakin, sa halip eh naisip ko na maaaring sadyang mas makulay lang talaga ang buhay niya sa pagtungtong ng kolehiyo kaya madaling natabunan ang mga bagay-bagay na naging bahagi ng sekundarya niya.
Sa ngayon eh may mga iilan parin naman akong kaklase na naaalala ang pangalan noong gradeschool ako, doon sa unang kong paaralan na private, bago pa ako lumipat ng public upang doon grumaduate ng primarya.
Gusto ko maging writer (o gusto kong maging masipag sa pagsusulat tulad ng isang writer). Ito ang isa sa pagtutuunan ko ng pansin (at pagsasanayan narin) ngayong bakasyon. Wala akong balak gumawa ng libro na tulad ng kay Bob Ong. Kaya tatapusin ko na ito.
Tungkol sa Reflection: Narinig ko ito nung 1st year hayskul ako sa Values Education subject namin. Noon parang napakawalang kwenta ng pinapagawa sa 'ming Reflection araw-araw dahil hindi ko talaga nakikita ang kahalagahan ng gawaing 'yon. Pero ngayon, na isa na ako sa mga matatanda, naiintindihan ko na kung bakit mahalaga iyon para sa guro namin nung 1st year, dahil ang Reflection ay isang bagay na nagpapagaan sa kalooban ng isang tao... kapag matanda na. Hindi ito umuubra kung ika'y bata, dahil sa tingin mo eh wala naman magagawa ang Reflection para malutas ang mga problema mo tulad ng pagkabungi ng isang ngipin, pagkasira ng laruan, o kaya'y paglampas sa pinakaaabangan mong cartoons, at iba pa. Para sa iyo, mainam nang solusyon sa mga problema mo ang pakikipaglaro sa labas, pagkawala ng klase, at pagmamayabang na ikaw ang pinakamagaling magtrumpo sa inyong baitang.

"Iisipin ko pa lang na magsulat eh, tinatamad na ako. Sa'n ka pa!"
-anonymous
(amf, anonymous na naman! ibigay mo nlng sakin yan, andami mo nang quote eh!)
"Ang pagkain ay hindi masarap hangga't 'di ko natitikman."
-o sige kay micro na raw 'to
Tungkol sa Reflection: Narinig ko ito nung 1st year hayskul ako sa Values Education subject namin. Noon parang napakawalang kwenta ng pinapagawa sa 'ming Reflection araw-araw dahil hindi ko talaga nakikita ang kahalagahan ng gawaing 'yon. Pero ngayon, na isa na ako sa mga matatanda, naiintindihan ko na kung bakit mahalaga iyon para sa guro namin nung 1st year, dahil ang Reflection ay isang bagay na nagpapagaan sa kalooban ng isang tao... kapag matanda na. Hindi ito umuubra kung ika'y bata, dahil sa tingin mo eh wala naman magagawa ang Reflection para malutas ang mga problema mo tulad ng pagkabungi ng isang ngipin, pagkasira ng laruan, o kaya'y paglampas sa pinakaaabangan mong cartoons, at iba pa. Para sa iyo, mainam nang solusyon sa mga problema mo ang pakikipaglaro sa labas, pagkawala ng klase, at pagmamayabang na ikaw ang pinakamagaling magtrumpo sa inyong baitang.

1 Comments:
wow, nice one ha... yung mga realizations mo.. nakaka-relate ako.. Ü
PS - don't worry, wla naman akong blak mag-comment sa lahat ng posts mo.. nakakarelate lang kac ako kaya i felt that i want to post my comment.. Ü
Post a Comment
<< Home