Wednesday, April 12, 2006

Pinoy Big Bother: Conspiracy Edition

Napatingala ako sa malaking billboard sa may EDSA habang nasa malalim na pagninilay-nilay ang aking isipan. Nakasulat, "Pinoy Big Bother". Napalingon ako ulit parang mali yung ispeling. Tapos yun nga Big Bother nga, tapos saka ko napansin yung mga tao sa billboard. Mga pulitko, pero lahat sila si Willie Nep (ata). Palabas pala ni Willie Nep yun sa Music Museum (if I remember right), ngayung katapusan ng Abril. Medyo nagbago ang mood ko pagkatapos makita yon. "Sana magkaroon ako ng pagkakataon na makapunta don", sabi ko sa sarili.

Galing ako ng UP, pauwi na. Araw ng Miyekules Santo. Mainit talaga ang araw, tanghaling tapat pa. Pero wala atang balak na bumagsak ng katawan ko. Kahit anong init hindi man lang dumidilim ang paligid. Naaantok lang ako. Pero hindi ko magawang tumumba. Hindi pa ako nagkakanervous breakdown. Pero sa mga napagdaanan ko nitong ikalawang taon ko sa kolehiyo, siguro karapat-dapat na akong gawaran non. Gantimpala ika nga, deserving naman ako eh...

Yung isa ko ngang kaklase, tinext pa ako nung 2nd exam kung anong oras ang exam, hindi na kasi pumapasok ng Math, sabi niya self-review na lang. Nakapunta siya nung 2nd exam, ngunit bakas ang pangamba sa kanyang mukha. Dumating ang 3rd exam, tinext ko siya kasi baka di na naman niya alam ang exam. Natanggap niya, pero di siya dumating. Dumating ang FINALS ngunit hindi na talaga siya pumasok. Sabi ko, hala, bumitaw na siya. Pede pa sanang mabawi nung FINALS ang grade nya kung yun din ang gagawing grade para sa 3rd exam niya.

Tapos naisip ko ang sitwasyon ko. Sa ibang subject naman 4th exam, alam kong hindi ako handa. Sadyang kulang talaga ang aking napag-aralan para sa huling exam. Naisip kong umabsent sa exam tapos magte-take ako ng FINALS para maging kapalit ng ika-4 kong exam. Sadyang mas madali ang FINALS kesa mga long exams. Multiple choice na yun kaya bibigyan ka talaga ng pag-asa. Sa gayon maaari kong maipasa ang Finals at maipapasa ko rin ang 4th exam kung yun ang magiging kapalit. Ngunit di ko ginawa, hindi kasi ako sanay sa ganung diskarte. Kahit alam ko na siguradong papasa ako pag yun ang ginawa ko, pinilit ko pa rin kunin ang 4th exam ko (na hindi ako handa). Kaya ayun, nadagdagan ang humatak (pababa) sa Pre-Final grade ko. Ang FINAL exam target ko para pumasa: 72%. Kaya pa, pwedeng makuha to.

Pero sadyang di ako magaling sa tsambahan.

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

observant ah.. napa-o na lang din ako sa nakita mo.. =)

i admire u for being one of the few na may pakialam.. hehe. iskong-isko. Ü <--- ayan, nagawa ko na. Ü

thanks micro!

Saturday, May 19, 2007 at 8:57:00 PM GMT+8  
Blogger [LP]NoBoDy[LP] said...

I wonder if you have read the whole entry... hmm? c'', )?

Monday, May 21, 2007 at 1:48:00 PM GMT+8  

Post a Comment

<< Home