Spending ACLE the silly way
Wala kaming magawa pagkatapos maputol ng klase. Hindi ko inisip na pumunta sa ACLE. Ang mga magagaling kong kabarkada eh wala sa klase kanina dahil naglalaro na kagad sa kompyuteran. At sinisi pa ako sa hindi ko pagdating doon ng maaga. Sayang din kung di ko pa papasukan yung dalawa kong klase sa araw na iyon. May luho ako para sa paglalaro pero hindi pwedeng conflict sa oras ng klase.
Tapos pauwi na naghahanap pa ng ibang mapupuntahan. SM daw, North, Mega, San Lazaro, etc. Nung una North Mall pa nga daw o sa may amin na lang. Gusto ko na lang sana umuwi para matulog. Pero naisip ko rin na maglakwatsa. Para maiba siguro ang pang-araw-araw kong ginagawa. Eh langya niyaya ba naman ako sa sine. Tapos inalok ng kalahating bayad sagot daw niya, at utangin ko nalang yung kalahati pa. Kung di lang ako manhid makisama eh talagang umuwi na ako. Tapos nag-DEAL-OR-NO-DEAL pa kami para lang sa tamang libre. Sa totoo lang wala namang lugi sakin, desperado lang talaga sila ng may makasama kaya nagawa akong ilibre sa gipit na pagkakataon. Ayun, yung dalawang mapilit, nahatak kaming dalawa pa. Kaya apat kaming natuloy sa sinehan. Buti pa sila may sapat na allowance para makapanglibre ng ibang tao, tulad ko. Kaya nung napag-usapan na namin ang pulitika hindi ko na ipinagtaka kung bakit Pro-Gloria ang mga posisyon nila.
Matagal na akong hindi nakakapanood ng sine. Hindi ko kasi tinuturing na leisure ang panonood ng sine. Nakakanood ako ng mga pelikula pero hindi sa sinehan. At hangga't maari ayokong suportahan ang mga Hollywood movies. Kahit papano may sarili akong paraan para suportahan ang ating Industriyang Pelikula. Pero sa hinihingi ng pagkakataon eh napanood nila ako ng sine at ang pinanood pa namin ay "My Super Ex-Girlfriend". Inenjoy ko nalang ang panonood.
Ayoko na sanang magsulat pa sa blog pero tingin ko eh may kakaibang araw na namang dumaan sa buhay ko. At karapat-dapat itong isulat para mabasa ng mga tsismoso't tsismosa na walang magawa sa buhay kundi sumilip dito.